Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad [(1986)]
Bukas Palad Music Ministry
Panginoon
Turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sayo
Na makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa twina'y magsumikap na
Hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob mo'y syang sinusundan
Panginoon
Turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sayo
Para citar esta página: https://www.canciones-cristianas.com/cancion/2514467/panalangin-sa-pagiging-bukas-palad-1986-bukas-palad-music-ministry
2025 Cancioneros.com/Letras