Dakilang Pag-Ibig Pieta

Bukas Palad Music Ministry

Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

O ina ika'y nagluluksa anak mong dakila ngayo'y pumanaw na
Duyan-duyan muli ni Mariang ina si Hesus sugatan at aba

Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

O Poon iyong nakikita mag-anak na aba salat sa pag-asa
Nawawalay at nangungulila silang hanap lamang ay guminhawa

Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

O Poon iyong namamasdan anak mong dayuhan pinagtatabuyan
Lumilikas nawa'y makalaya mula sa bansang biniyak ng digma

Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

Diyos ay naroon walang alinlangan
Para citar esta página: https://www.canciones-cristianas.com/cancion/2264274/dakilang-pag-ibig-pieta-bukas-palad-music-ministry
2025 Cancioneros.com/Letras